ANAK (2000) 2014-2015



Buod:
Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga anak, nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.
Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak niyang si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.

Tauhan:
  • Vilma Santos - Josie
  • Claudine Barretto - Carla
  • Joel Torre - Rudy
  • Baron Geisler - Michael
  • Sheila Mae Alvero - Daday
  • Amy Austria - Lyn
  • Cherry Pie Picache - Mercy
  • Leandro Muñoz - Brian
  • Tess Dumpit - Norma
  • Cris Michelena - Arnel
  • Hazel Ann Mendoza - Young Carla
  • Daniel Morial - Young Michael
  • Gino Paul Guzman - Don Don
  • Jodi Sta. Maria - Bernadette
  • Odette Khan - Mrs. Madrid

Istorya:
                
               Ang istorya ay makatotohanan.Ito ay isang napakagandang pelikula na pinag gampanan ng mga sikat na karakter at lahat ng ito ay angkop sa kanilang abilidad.Tungkol ito sa isang ina na nagimbang bansa upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.   
                
                Naipakita sa pelikula ang husay ng pag arte ng mga artista.Nagampanan nila ng maayus ang bawat karkter sa pelikula.Napakaganda nilang naipakita ang pelikula at maraming makukuhang mahalagang aral sa buhay.

Pananalita:

          Ang kanilang pananalita ay halos makatotohan,dahil sa sobrang galing ng pag-arte nila.Ngunit paminsan pag nag aaway sila ay gumagamit sila ng masasamang salita na maaring makasira sa mga batang manonood.

Tema o Paksa:

                  Upang maipadama sa mga manonood ang hirap na maging OFW at sakripisyong ginagawa nila para lang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Titulo:

Anak
Directed byRory Quintos
Produced byCharo Santos-Concio
Malou N. Santos
Screenplay byRicardo Lee
Raymond Lee
StarringVilma Santos
Claudine Barretto
Distributed byStar Cinema
Release dates
  • May 10, 2000
Running time117 minutes
CountryPhilippines
LanguageEnglish/Tagalog
Box officeP165.93-M


Sinematograpia:

                      Ang paka gawa ng pelikula ay mahusay kahit na hindi sapat ang kanilang kagamitan sa paggawa ng special effects natapos pa rin nila ang pelikula na maayus.


Aspektong Teknikal:

A.Musika
Maganda ang pagkagamit ng kantang"ANAK" ni Freddie Aguilar.Bagay na bagay ito sa pelikula pagdating sa mga bahaging emosyonal na.

B.Pagkakasunod sunod ng pangyayari
Mahusay na nagawa ng Direktor ang pelikula malinis at mahusay ang pagkakasunod-sunod ng bahagi ng mga pelikula.

C.Pagganap ng mga artista
Mahusay na nagampanan ng mga artista ang kanilang mga papel sa pelikula at maganda nila itong naipakita.

D.Tagpuan
Ang tagpuan ng pelikula ay maganda halatang pinaghandaan nila ito at ginastosan ng malaking halaga para maging maayus ang kinalabasan nito.




Ginawa ni:
Remegio H. Ibañez,III

Remegio H. Ibañez,III. Pinapagana ng Blogger.